Sa mga nagdaang taon, ang "Buwan ng Wika" ay isa sa mga inaabangang pang-paaralang aktibidad ng ating mga mag-aaral. Kung saan, simula palang Hunyo ang ating mga mag-aaral ay nagsisipaghanda o nagplaplano ng mga presentasyon gaya ng sabayang pagbigkas, katutubong sayaw at marami pang iba. Ang mga ito ay nagpatuloy din nung tayo ay nasakalagitnaan ng Birtwal na pag-aaral upang gawing espesyal ang araw ng bawat isang Markiano.
Ngayong taon, masasabi natin na tunay na may taglay na talino at bilis ang ating mga mag-aaral. Nagsimula ang klase ng Sekondarya noong Agosto 15 at Agosto 22 naman ang Elementary ana kadalasang nagsisimula ng Hunyo o Hulyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na mayroon lamang ilang araw ang mga-aaral upang maghanda para sa selebrasyon ngunit nagkaroon parin ng pagkakataon na bigyan ang mag-aaral ng makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng wika.
Tunay na ang CSSM ay patuloy parin sa pagtugon ng ating layunin sa kahit anong paraan. Sa ating pagdiriwang ngayong taon, nagkaroon tayo ng dalawang selebrasyon para sa dalawang grupo ng mga mag-aaral sa kadahilanang tayo ay nasa blended learning.
Ang mga mag-aaral mula sa ibat ibang antas ay nagbigay ng mga presentasyon gaya ng malayang pagtula at parada ng ibat ibang kasuotan. Gayundin ang mga guro ay nagpakita ng presentasyon na subli.
Ang taong ito na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha” ay lubos na kinagalak ng lahat at nagpakita ng husay bilang isang Pilipino na may pagmamalaki.
Comments